Usap-usapan sa social media ang mga social media personality at content creator na sina Shaun Pelayo at Crissa Liaging.
Sa Facebook post ng netizen na si “Zeil Doldolia” kamakailan, pinagtatakhan ng mga netizen kung bakit hindi fine-flex ni Shaun si Crissa sa social media.
May mga napapaisip tuloy na baka “scripted” lang daw o “forda content” ang kanilang kasal. Narito ang ilang komentong mababasa sa Reddit:
"are they really married???? prang it's all for show."
"Just found out they got married just a month after meeting for the first time??? He posted meeting her Sept 27 2023 tapos when they were watching their SDE nakalagay sa invitation was Oct 28 2024. Ang bilis masyado haha pero feeling ko promtional video lang din to"
"I believe promotional lang din and forda content."
"Shaun Pelayo is corny for me."
"Forda content"
Kung bibisitahin nga ang IG ni Shaun, hindi raw makikita ang anumang larawan ni Crissa. Kung makita man, sa mga short clip lang at “influencer” o “artist” ang tawag sa halip na asawa.
Matatandaang Oktubre 2024 nang ianunsiyo ang kasal ng dalawa na ginanap sa isang resort sa isla ng Siquijor.