April 01, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ashley Ortega, napahagulgol sa natanggap na sulat

Ashley Ortega, napahagulgol sa natanggap na sulat
Photo courtesy: Screenshot from Pinoy Big Brother (YT)

Hindi napigilan ng Kapuso actress na si Ashley Ortega na maging emosyunal nang buklatin niya ang sulat na natanggap niya habang nasa loob pa sila ng Pinoy Big Brother house.

Bago pa man tuluyang ma-evict kasama ang Kapamilya dancer-actress na si AC Bonifacio, naibigay na muna ni Kuya kay Ashley ang isang sulat mula sa espesyal na tao sa buhay ng aktres.

Pagbukas pa lamang ng liham ay agad na naiyak si Ashley dahil mula ito sa kaniyang ina, na nagsasabing matagal na siyang pinatawad matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

"Dear Ashley, matagal na kitang pinatawad. Matagal na rin akong nag-aantay sa 'yo. Tandaan mo, mahal na mahal kita. Kayong mga anak ko, ginagawa ko lahat para sa inyo kaya ganiyan ako ka-strict at maalaga. Mag-ingat ka at magdasal ka parati. Love, Mama," nakasaad sa liham.

Tsika at Intriga

Bagong PBB celeb housemate, inakusahang 'walang ambag sa groupworks noong college'

Matatandaang naibahagi ni Ashley sa housemates na umalis siya sa poder ng magulang nang walang paalam upang mamuhay nang independent.

"I'm happy that she's watching me. And sana po talaga Kuya, paglabas ko dito, magkita po kami. Pero nagpapasalamat ako na hindi na siya galit sa akin," anang Ashley.

At mukhang matutuloy na nga ang pagkikita ng mag-ina dahil siya na nga ang latest evictee ng PBB, matapos silang matanggal ng ka-duo na si AC.

Proud naman sa kaniya ang Kapuso TV host ng show at boyfriend na si Mavy Legaspi.

MAKI-BALITA:  Mavy, proud sa PBB journey ng jowang si Ashley: 'People got to know you better!'