How true ang kumakalat na tsikang magkarelasyon na raw sina Kapamilya artists Zaijan Jaranilla at Gela Atayde?
Sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” noong Biyernes, Marso 28, inispluk ni Ogie ang nasagap niya umanong balita.
“Aba, mag-boyfriend [at] mag-girlfriend na raw. E, ‘di ba si Ria [Atayde] si Zanjoe [Marudo], letter Z? ‘Yong kapatid naman daw si Gela, letter Z rin daw,” saad ni Ogie.
“Zaijan Jaranilla. Si Santino raw. Mag-jowa na raw,” dugtong pa niya.
Pero tila duda ang showbiz insider sa kaniyang source dahil wala pa naman daw inaanunsiyo ang dalawa tungkol sa kanilang real-score.
“Baka naman puppy love lang,” ani Ogie.
Kaya sa ngayon, hintayin na lang muna kung kukumpirmahin o pabubulaanan ba nina Zaijan at Gela ang tsikang ito.