March 31, 2025

Home BALITA Eleksyon

Willie Revillame, mananatiling independent; 'di kaanib ng Alyansa

Willie Revillame, mananatiling independent; 'di kaanib ng Alyansa
Photo Courtesy: Willie Revillame, Alyansa para sa Bagong Pilipinas (FB)

Nagbigay umano ng paglilinaw ang TV host at senatorial aspirant na si Willie Revillame kaugnay sa kumakalat niyang larawan kasama si House Speaker Martin Romualdez.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes, Marso 28, sinabi ni Willie na hindi raw siyang kasapi ng anomang political party at mananatiling independent candidate.

Dahil kasi ito sa kumalat na larawan na napagkamalang kabilang na rin si Willie sa senatorial slate ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na Bagong Alyansa para sa Bagong Pilipinas.

Pero luma na raw ang larawan. Kuha pa raw ito nang bisitahin ni Willie sa Kongreso ang kaibigang sina Sam Verzosa at Richard Gomez.

Eleksyon

Vilma Santos, dinedma kalabang sinabihan siyang ‘laos’ na

Matatandaang nalagasan na ang Alyansa ng isang kandidato matapos ianunsiyo ni Senadora Imee Marcos ang pagkalas niya sa naturang senatorial slate.

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas