Nagpaabot ng pagbati si Senadora Imee Marcos para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiriwang ng ika-80 kaarawan nito ngayong Biyernes, Marso 28.
Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nito ring araw, makikita ang larawan nila ni Duterte kalakip ang simpleng pagbati ng “Happy Birthday” sa dating pangulo.
Matatandaang nanawagan ng urgent investigation noong Marso 17 si Sen. Imee para sa pagkaaresto kay Duterte.
Bukod dito, naghayag din ang senadora sa kaniyang press briefing noong Huwebes, Marso 27, na gusto raw niyang puntahan ang dating pangulo sa The Hague, Netherlands.
MAKI-BALITA:Sen. Imee, gusto pumuntang The Hague; ibibigay ₱10k para sa ika-80-anyos ni FPRRD
Sa kasalukuyan, hindi na bahagi si Sen. Imee ng senatorial slate ng administrasyon matapos niyang ianunsiyo ang pagkalas dito dahil taliwas umano sa prinsipyo niya ang ilang hangarin ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas