Isang 4.3-magnitude na lindol ang tumama sa probinsya ng Tawi-Tawi nitong Huwebes ng umaga, Marso 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:03 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 323 kilometro ang layo sa timog-silangan ng South Ubian, Tawi-Tawi, na may lalim na 590 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.