Tumilapon ang isang lalaki nang mabangga ng isang sasakyan habang tumatawid sa pedestrian lane sa Quezon City noong Martes ng madaling araw, Marso 25.
Base sa ulat ng Manila Bulletin, namataan ang lalaki na tumatawid sa pedestrian lane sa Quirino Highway corner Pagkabuhay Road sa Quezon City, bandang alas-2 ng madaling araw noong Martes.
Dagdag pa ng ulat, ayon sa Quezon City Police District, pumanaw ang lalaki dahil sa matinding pinsala sa ulo.
Kasalukuyang hinahanap ng mga awtoridad ang driver ng sasakyan.