April 01, 2025

Home BALITA

VP Sara, nilinaw na 'di pinagbibitiw si PBBM

VP Sara, nilinaw na 'di pinagbibitiw si PBBM
Photo Courtesy: Sara Duterte, Bongbong Marcos (FB)

Nagbigay ng paglilinaw si Vice President Sara Duterte kaugnay sa panawagan umanong magbitiw sa puwesto ang noo’y runningmate niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa ulat ng One Balita Pilipinas nitong Martes, Marso 25, sinabi ni VP Sara na hindi siya kundi ang mga tagasuporta umano ang nanawagang magbitiw ang pangulo.

"Wala akong sinasabi ever na dapat mag-resign si BBM. Ang sinabi ko lang kahapon, if nananawagan kayo ng BBM resign, bigyan n'yo ng rason bakit 'yan ang panawagan n'yo sa kanila. Then I gave them examples,”  saad ng bise-presidente.

Bukod dito, nilinaw rin ni VP Sara ang tungkol sa paghahambing niya sa ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

National

Mga miyembro ng gabinete ni PBBM, 'di sisipot sa pa-Senate hearing ni Sen. Imee

Ayon sa kaniya, "Ang binasehan lang natin is kung ano 'yong nangyari noon. Nakita naman natin 'yong nangyari noon, 'di naman na natin mabubura ang nangyari sa kasaysayan.” 

“Hindi naman si dating Pangulong Rodrigo nagsasabi na magiging Ninoy siya. Ang nagsabi no'n, ako. Those were my fears for the life of my father,” dugtong pa ni VP Sara.

Matatandaang inalmahan ng Pamilya Aquino ang pagkukumparang ito ni VP Sara sa kapamilya nilang si Senador Ninoy.

MAKI-BALITA: Ginawa kay Ninoy, ibang-iba sa pinagdadaanan ni FPRRD —Pamilya Aquino