March 29, 2025

Home BALITA Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!
(MB file photo)

Patay ang isang lasing nang gulpihin ng isang lalaking kaniyang kinumpronta sa Binangonan, Rizal nitong Linggo, Marso 23.

Dead on arrival sa Queen Mary Help of Christians Hospital ang biktimang si alyas ‘Joe’ bunsod ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, tugis naman ng mga awtoridad ang isang alyas ‘Hermie,’ na itinuturong nakapatay umano sa biktima.

Batay sa ulat ng Binangonan Municipal Police Station, nabatid na dakong 12:40 ng tanghali nang maganap ang insidente sa Brgy. Tatala sa Binangonan.

Probinsya

Aso sa Masbate, pinalo sa ulo hanggang mamatay–‘for the content’ lang?

Nauna rito, lasing umano ang biktima nang sa hindi pa batid na kadahilanan ay kinumpronta nito ang suspek, na nauwi sa mainitang pagtatalo at suntukan.

Dahil lasing, nagawang bugbugin ng suspek ang biktima na nagresulta sa matinding pinsala sa kaniyang ulo at katawan.

Kaagad naman siyang isinugod sa pagamutan ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.