Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Lunes ng madaling araw, Marso 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:42 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 165 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 81 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.