March 31, 2025

Home SHOWBIZ Events

'KathVid?' Pagsulyap ni David Licauco kay Kathryn Bernardo, kinakiligan

'KathVid?' Pagsulyap ni David Licauco kay Kathryn Bernardo, kinakiligan
Photo courtesy: Screenshot from Oskee Recabar (FB)

Kinilig ang mga netizen sa naispatang pagtingin ni Kapuso star at tinaguriang "Pambansang Ginoo" na si David Licauco kay Kapamilya star at "Outstanding Asian Star" Kathryn Bernardo sa ginanap na fashion show ng isang apparel brand sa Pasay City noong Biyernes, Marso 21 sa Pasay City.

Sa video na ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang "Oskee Recabar" sa kaniyang Facebook post mula sa fashion show, binigyang-diin niya ang panakaw na sulyap ni David kay Kathryn nang tawagin na ang lahat sa harapan. Rumampa naman si Kathryn at pumwesto sa harapan, malapit kay David.

Ilan naman sa mga netizen ang nag-aasam na baka mabigyan din ng collab project sina Kathryn at David, gaya ng ginawa nina Kathryn at Kapuso star Alden Richards sa kanilang mga box office movies na "Hello, Love, Goodbye" at "Hello, Love, Again."

May mga bumuo pa nga sa tambalan nila if ever na puwede raw tawaging "KathVid."

Events

Awra Briguela sa yate nag-birthday party, umani ng reaksiyon

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"He can't believe they're side by side! He said in an interview, Kath is his wish leading lady in a movie."

"Mas bagay cla off and on camera. Ang ganda ng height nlang dalawa, parehong maganda ang katawan, parehong galing s desenteng family, both is level ng may pinag aralan at antas ng pamumuhay. Sana magka movie sila for sure magki click yun. And why not maging sila in the near future, pareho naman clang may good up bringing. They're both smart as well."

"ganda kz ni kath sino bang hindi mapapatingin"

"Sabi ni David sa isip nya 'Oh sh*t ang ganda ni Kath.'"

"bagay rin sila, beke nemen ABS and GMA!"

"Dami nkkapansin kay David kc khit s ibang video tlgang gusto nia lumapit kay kath"

Matatandaang sa isang panayam, tahasang sinabi ni David na pangarap niyang makatrabaho si Kathryn bilang leading lady balang-araw. Mangyari na nga kaya soon?

MAKI-BALITA: David Licauco 'sinasakyan' si Kathryn Bernardo?