Nagbigay ng reaksiyon ang “Pambansang Ginoo” na si David Licauco hinggil sa intrigang sinasakyan niya raw ang kasikatan ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Matatandaan kasing inihayag ni David sa isang panayam na bukas siya sa posibilidad na makatrabaho si  Kathryn nang minsan silang magkasama sa isang fashion event at nagkaroon pa ng picture together.

Pero sa eksklusibong panayam ni showbiz insider Ogie Diaz nitong Biyernes, Abril 26, sinabi ni David na nagpakatotoo lang daw siya sa kaniyang sarili dahil pangarap naman daw talaga niyang makatrabaho si Kathryn.

“Well, ako kasi hindi naman sa sasakay ako or something.I think, I’m just being true to myself na siguro like I was looking up to her before. Noong bata ako, siya ang pinapanood ako,” lahad ni David.

Tsika at Intriga

RR Enriquez, di kilala ang BINI pero 'wag daw pakialaman ang face mask nila

“So, actually ‘yong sa interview na I had e talagang sinabi ko lang kung ano ‘yong dream ko, ‘di ba. Doesn’t mean naman na it will happen. Doesn’t mean it might happen,” dugtong pa niya.

Dahil sa kaniyang sinabi, pinuri ni Ogie ang consistent na paghanga ni David kay Kathryn.