March 28, 2025

Home BALITA National

‘Dangerous' heat index, ‘di mararanasan sa PH sa Lunes – PAGASA

‘Dangerous' heat index, ‘di mararanasan sa PH sa Lunes – PAGASA
Courtesy: Unsplash

Hindi mararanasan ang “dangerous” heat index sa alinmang bahagi ng bansa bukas ng Lunes, Marso 24, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Linggo, Enero Marso 23, 39°C ang pinakamataas na heat index na inaasahang mararanasan sa Lunes.

Naitala ang naturang heat index sa Coron, Palawan at Hinatuan, Surigao del Sur.

Nakasailalim ang 39°C sa Extreme Caution level, dahil posible raw dito ang “heat cramps” at “heat exhaustion.” 

National

‘Pinas, ‘di makikipagtulungan sa ICC hinggil sa ‘interim release’ ni FPRRD – PCO Castro

Samantala, maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?