Pinusuan at kinakiligan ng mga netizen ang birthday greetings at message ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa kaniyang partner na si Chloe San Jose, na mababasa sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Marso 22.
Batay sa lokasyon ng Facebook post ni Caloy, mukhang nagdiwang sila ng birthday ni Chloe sa Newport World Resort sa Pasay City.
"Happiest Birthday para sa napaka espesyal na tao sa buhay ko Chloe ," mababasa sa post ni Carlos.
"Maraming salamat palagi sa walang sawang suporta, tiwala, kaligayahan at pag-mamahal na binibigay mo sa buhay ko.
Ang hiling ko sa panginoon ay mag karoon ka ng maayos at malusog na pangangatawan. Masaya at maaliwalas na buhay kasama ako hehe ," pagpapatuloy pa niya.
"Nawa’y matupad lahat ang mga hiling at pangarap mo. Asahan mong nasa tabi mo lang ako palagi, papahalagahan at mamahalin ka ng sobra."
"Muli, mula sa puso ko mahal na mahal kita MAHAL KO " pagtatapos ng atleta.
Makikita naman sa comment section ng post ang tugon ni Chloe.
"THANK YOU PALAGI MAHAL KO ," aniya.
"THANK YOU DIN PO EVERYONE FOR YOUR BIRTHDAY WISHES! It's very much appreciated ," mensahe naman ni Chloe sa lahat ng mga nagpaabot ng pagbati sa kaniya.
Tumugon naman dito si Carlos ng GIF na may mababasang "I love you very much."