March 24, 2025

Home BALITA National

3 weather systems, magpapaulan sa malaking bahagi ng PH – PAGASA

3 weather systems, magpapaulan sa malaking bahagi ng PH – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Inaasahang makararanas ng ilang mga pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Marso 23, bunsod ng northeast monsoon o amihan, Intertropical Convergence Zone (ITCZ), at easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang ITCZ—na tumutukoy sa linya kung saan nagtatagpo ang hangin mula sa northern at southern hemispheres—ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao at Palawan.

Inaasahan namang magdudulot ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

National

Espiritu kay VP Sara: ‘Yung tatay mo mamamatay-tao, si Ninoy lumaban para sa karapatang pantao!’

Samantala, inaasahang magdadala ang malamig na hanging amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon. Wala namang inaasahang malaking epekto ang magiging mga pag-ulan dito.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms naman ang inaasahang mararanasan sa mga natitirang bahagi ng bansa dulot pa rin ng easterlies. Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).