Hindi binanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalan ng ate niyang si Senador Imee Marcos sa campaign rally ng mga iniendorso niyang senatorial slate, matapos pangunahan ng huli ang pag-imbestiga sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kaniyang talumpati sa campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas slate sa Trece Martires, Cavite, noong Biyernes ng gabi, Marso 21, inihayag ni PBBM ang mga pangalan at plataporma ng kanilang mga kandidato sa Alyansa slate, kasama si Rep. Camille Villar na hindi nakadalo sa pagtitipon.
Samantala, si Sen. Imee lamang ang hindi binanggit ni PBBM sa kaniyang talumpati.
Habang sinusulat ito’y hindi pa nagpapaliwanag ang Malacañang kung ano sinadya o nakalimutan lamang ng pangulong banggitin at iendorso si Sen. Imee.
Nauna nang sinabi ni Sen. Imee sa isang pahayag nito ring Biyernes na hindi siya dadalo sa naturang campaign rally ng Alyansa dahil mas mahalaga raw para sa kaniyang pagtuunan ang imbestigasyon ng naging pag-aresto kay Duterte noong Marso 11.
MAKI-BALITA: Sen. Imee, 'di dadalo sa Alyansa rally; mas importante raw kaso ni FPRRD
Matatandaang noong Huwebes, Marso 20, nang pangunahan ni Sen. Imee, chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations, ang pagdinig ng Senado sa naging pag-aresto kay Duterte kung saan iginiit niyang isa umanong “pang-aalipin” ang “hustisyang ipinapataw ng dayuhan.”
MAKI-BALITA: Sen. Imee, tinawag na ‘pang-aalipin’ ang ‘hustisyang ipinapataw ng dayuhan’
MAKI-BALITA: Tanong ni Sen. Imee: 'Pinas, kailan pa naging 'province of the Hague?'
Inungkat din ng senadora sa naturang pagdinig ang naging pahayag noon ni PBBM na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC, ngunit muling iginiit ni Justice Secretary Boying Remulla na nakipagtulungan lamang umano ang pamahalaan sa Interpol.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Duterte upang dinggin ang kaso nitong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga nito.
MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD