“It has never been unsolid…”
Ito ang pahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro nang tanungin siya hinggil sa kaniyang kumpiyansang “solid” pa rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) pagdating sa pagiging loyal sa Konstitusyon at Chain of Command sa kabila ng kasalukuyang estado sa politika ng bansa.
Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Sabado, Marso 22, na inilabas ng ABS-CBN News, sinabi ni Teodoro na wala umanong rason upang pagdudahan ang AFP sa kanilang pagsunod sa kanilang tungkuling naaayon sa Konstitusyon.
“It has never been unsolid, and I have no reason to doubt that they would remain professional, and they would follow their duty according to the constitution,” ani Teodoro.
“Civilian supremacy remains,” saad pa niya.
Muling usap-usapan ang hidwaan ng kampo ng dalawang top officials ng bansa na sina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte matapos makipagtulungan ang pamahalaan ng bansa sa Interpol sa pag-aresto sa ama ng huli na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) noong Marso 11, 2025.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC sa The Hague Netherlands si FPRRD upang dinggin ang kaso nitong “crimes against humanity” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.
MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD