March 26, 2025

Home BALITA National

4.9-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Oriental

4.9-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Oriental
Courtesy: Phivolcs/FB

Yumanig ang isang 4.9-magnitude na lindol sa Davao Oriental dakong 1:27 ng hapon nitong Sabado, Marso 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng nasabing lindol.

Namataan ang epicenter nito 70 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Malacañang sa petisyon ni Honasan sa ICC: ‘Coordinate first with Duterte’s legal team’

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.