March 26, 2025

Home BALITA National

Roque, naghain na ng asylum; 'Di na raw siya pwedeng pabalikin sa 'Pinas

Roque, naghain na ng asylum; 'Di na raw siya pwedeng pabalikin sa 'Pinas
screenshot: Harry Roque/FB

Ibinahagi ni Atty. Harry Roque na naghain na siya ng asylum sa Netherlands. 

Sa kaniyang Facebook live noong Huwebes, Marso 20, sinabi ni Roque na nakapag-apply na siya ng asylum at hinihintay na lamang niya ang interview. 

"Lilinawin ko po na ako po ngayon ay isang asylum seeker dahil nakapag-apply na po ako for asylum. Ang inaantay ko lang po ay 'yong kauna-unahang interview na kabahagi na ng application process," anang dating presidential spokesperson. 

Dagdag pa niya, hindi na raw siya pupwedeng pabalikin sa Pilipinas dahil bahagi raw ito ng karapatan niya bilang asylum seeker. 

National

Malacañang sa petisyon ni Honasan sa ICC: ‘Coordinate first with Duterte’s legal team’

"'Yong mere fact na nag-apply ako, ayan 'yong nagbigay sa akin ng karapatan na hindi na ako pupwedeng mapabalik sa Pilipinas. Miski pa kumuha sila ng warrant of arrest, mag-file ng extradition eh malinaw po 'yan dahil ito po ay matter of convention rights," sabi pa ni Roque. 

"Natural kasi kapag pinabalik d'yan [sa Pilipinas], ikukulong ako, non-bailable, sa isang kaso na human trafficking na walang ka-ebi-ebidensya." 

Matatandaang may arrest order si Roque matapos ang hindi pagdalo sa House inquiry para sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Ang pagiging "asylum" ay isang legal na proseso kung saan naghahain ng proteksyon at karapatang manatili sa ibang bansa ang isang indibidwal na nangangamba sa "persecution" at human rights violations sa sarili niyang bansa.