March 26, 2025

Home BALITA National

Mga Pinoy, mahal si FPRRD; hindi mahal si PBBM—Alvarez

Mga Pinoy, mahal si FPRRD; hindi mahal si PBBM—Alvarez
photo courtesy: PBBM/FB, MB file, ICC website

Sinabi ni Davao del Norte 1st district Rep. Pantaleon Alvarez na mahal ng mga Pilipino si dating Pangulong Rodrigo Duterte at hindi si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. 

"Mahal ng mga Pilipino si Tatay Digong, at hindi nila mahal si Mr. Marcos. Tapos yung mga kaalyado ni Marcos ngayon, tulad ng mga liberal ay mga kaliwa, ayaw din sa kanya," ani Alvarez nitong Biyernes, Marso 21.

"Sinasamahan lang siya dahil gusto nila yung ginagawa ni Marcos na pag-initan ang mga Duterte. Pero hindi nila mahal si Marcos," dagdag pa niya.

"Masakit yan, kasi ibig sabihin kahit anong oras puwede siya ilaglag ng mga nakapalibot sa kanya, at puwede siya iwanan ng taong bayan. Insecure di ba? Kaya imbes na may kalaban siya para sa pagmamahal ng mga Pilipino, pinadampot na lang niya at sinuko si Tatay Digong sa ICC."

National

Malacañang sa petisyon ni Honasan sa ICC: ‘Coordinate first with Duterte’s legal team’

Naniniwala rin umano si Alvarez na takot umano si Marcos kay Duterte kung kaya't pinayagan niya itong ipaaresto ang huli. 

“Takot sila. Yung surveys makikita mo pagkatapos bumaba yung ratings ng mga Duterte dahil sa walang tigil na media demolition effort, may Congressional hearings pa, at malamang may parating na iba pang mga kaso, bumabawi na ulit. Pataas na. Si VP Sara nga, frontrunner na ulit para sa 2028 by a considerable margin,” anang mambabatas.