Isang maikling Facebook post ang inilahad ng vlogger na si Mocha Uson patungkol sa usapin ng freedom of expression.
Sa pamamagitan ng kaniyang Facebook Page na Mocha Uson Blog, nagbigay ng isang pahiwatig si Mocha.
“R.I.P. Freedom of Expression,” ani Mocha.
Matatandaang ngayong Biyernes din, Marso 21, 2025 nang muling magkasa ng pagdinig ang House of Representatives laban sa ilang vloggers at social media personalities na umano’y naaugnay sa pagpapalaganap ng mga maling impormasyon.
Umani naman ng samu’t saring mga reaksiyon ang nasabing post ni Mocha.
“Martial na po tayo ‘yan po pagkakaintindi ko eh.”
“FREEDOM OF EXPRESSION IS NOT ABSOLUTE GIRL. PARA KANG WALANG PINAG ARALAN!”“Mga DDS parang mamamatay kapag hindi nakapagpakalat ng fake news hahahahaha.”
“Wala na talaga ang gobyerno ngayon lahat ng kumontra ipahuli, baka martial law na eto?”
“Free naman atecco basta wag lang peknyus.”
“Freedom of bangag ang umiiral ngayon.”