March 22, 2025

Home BALITA National

‘Dangerous' heat index, mararanasan sa 2 lugar sa PH sa Sabado – PAGASA

‘Dangerous' heat index, mararanasan sa 2 lugar sa PH sa Sabado – PAGASA
Courtesy: Unsplash

Inaasahang mararanasan ang “dangerous” heat index sa dalawang lugar sa bansa bukas ng Sabado, Marso 22, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Biyernes, Marso 21, inaasahang aabot sa danger level ang heat index sa mga sumusunod na lugar:

43°C - Cotabato City, Maguindanao

42°C - Dagupan City, Pangasinan

National

Sen. Imee, 'di dadalo sa Alyansa rally; mas importante raw kaso ni FPRRD

Paliwanag ng weather bureau, ang heat index ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?