March 21, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sarah Balabagan 'kinontra' si Arnold Clavio tungkol sa prayer rally; may inungkat

Sarah Balabagan 'kinontra' si Arnold Clavio tungkol sa prayer rally; may inungkat
Photo courtesy: Sarah Balabagan (FB)/Arnold Clavio (IG)

Usap-usapan ang Facebook post ng personalidad na si Sarah Balabagan Sereno matapos niyang barahin ang ibinahaging post ni GMA news anchor Arnold Clavio patungkol sa "prayer rally."

Noong Marso 15, 2025 kasi ay tila may cryptic post si Arnold patungkol sa prayer rally.

Mababasa sa ibinahaging post ni Clavio, "Para saan ang prayer rally kung hindi naman naniniwala sa Diyos ang ipinagdarasan ninyo?"

Sa caption ng Instagram post, mababasa naman ang "EHEM : Narinig ko lang sa jeep. May tama ba sila ?"

Tsika at Intriga

Mariz Umali nilinaw isyung tinawag niyang 'matanda' si Atty. Medialdea

Naka-limit lamang ang puwedeng magkomento sa post, at kapag sinilip ito, wala namang nangahas na mag-react o maglapag ng komento rito.

Subalit ginawan ito ng quote art card ng isang page na "Paolo Duterte Supporters," na ni-reshare naman ni Sarah sa kaniyang Facebook account.

Caption niya, as is, "Arnold Huwag mong maliitin Ang power ng UNITY PRAYERS! 'the prayer of a righteous man is powerful and effective' is James 5:16. Ako mismo ay bunga ng unity prayers ng mga Filipino. Pero pinagsamantalahan mo lang at inuto!"

Kung titingnan ang posts ni Sarah, masasabing siya ay tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC)  dahil sa kasong crimes against humanity, kaugnay ng kaniyang giyera kontra droga na naganap sa kaniyang administrasyon. 

MAKI-BALITA: FPRRD, kauna-unahang Asian leader na inaresto ng ICC

Kung babalikan, ayon sa mga ulat, si Sarah ay dating migrant worker sa United Arab Emirates na nabilanggo sa kasong murder matapos umanong ipagtanggol ang sarili sa kaniyang dayuhang employer, na nanggahasa sa kaniya. Nasentensyahan ng parusang kamatayan si Sarah, subalit napababa ang parusa sa tulong ng Philippine government, na gawin na lamang $41,000 ang ibayad niyang blood money sa pamilya ng biktima.

Nang mga sandaling iyon, si Arnold naman ay reporter na naka-assign sa pagsubaybay sa kaso ni Sarah. Pag-uwi sa Pilipinas, naging media sensation si Sarah at pinasok na rin ang showbiz sa pamamagitan ng pag-awit. Subalit hindi rin nagpatuloy ito matapos niyang mabuntis. Hindi niya sinabi kung sino ang ama ng kaniyang dinadala.

Makalipas ang 22 taon, ibinunyag ni Sarah na si Arnold daw ang ama ng kaniyang panganay na anak, matapos daw silang magkaroon ng relasyon.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Arnold patungkol sa kontra post ni Sarah.