Kasabay nang pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, siya na ang umano’y kauna-unahang Asyanong lider na inaresto ng nasabing global court.
KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, nasa kustodiya na ng ICC
Ayon sa ulat ng AP News, si dating Pangulong Duterte ang kauna-unahang Asyanong lider na inaresto ng ICC. Matatandaang naaresto siya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng pagbaba ng arrest warrant ng ICC kaugnay ng umano’y crime against humanity ng kaugnay ng kaniyang kampanya kontra droga.
KAUGNAY NA BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
Sa pagdating ng dating Pangulong Duterte sa Netherlands, pansamantala siyang mananatili sa ICC facility sa Scheveningen kung saan nakatakda niyang makasama ang iba pang world leaders na naghihintay ng kani-kanilang trial, na sina Kosovo former president Hashim Thaci na nahaharap sa reklamong war crimes at crime against humanity at Ratko Mladic mula sa Bosnia na may kaso ng genocide.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ang posibleng detention center ni FPRRD sa ICC
Nasa kustodiya rin ng ICC sina Maahamat Said Abdel Kaani, Yetkom at Ngaissona mula sa Central African Republic, Al Hassan Ag Abdoul Aziz Ag Mohamed Ag Mahmoud mula sa Mali at Abdul Rahman mula sa Sudan.
Mananatili sa kustodiya ng ICC ang lahat ng mga lider sumasailalim pa lamang sa imbestigasyon at paggulong ng kaso, ngunit ayon pa sa AP News, nakatakda umanong ilipat ang isang detainee sa ibang kulungan kapag ito ay napatunayang nagkasala.