March 26, 2025

Home BALITA National

Agusan del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Agusan del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Agusan del Sur nitong Huwebes ng umaga, Marso 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:35 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 3 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Loreto, Agusan del Sur, na may lalim na 11 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.

National

Malacañang sa petisyon ni Honasan sa ICC: ‘Coordinate first with Duterte’s legal team’