Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Vince Dizon na tinanggal na sa puwesto si Metro Rail Transit (MRT)-3 General Manager Oscar Bongon matapos ang nangyaring escalator malfunction, na nagdulot ng trauma at injury sa ilang mga pasaherong sasakay sa nabanggit na transport system.
Sa panayam kay Dizon, hindi raw siya natuwa nang mag-follow-up siya at nalamang hindi pa nagagawa ang nabanggit na escalator, dahil kailangan pa raw analisahin kung ano ang problema.
Agad daw ipinag-utos ni Dizon ang pagkukumpuni sa escalator, na tumagal lamang ng wala pang 10 oras.
Hindi naman binanggit ni Dizon kung sino ang ipapalit kay Bongon, ngunit sinabi niyang may sapat na kaalaman at karanasan sa department ang papalit sa huli.
Noong Marso 8, ang pataas na escalator ay bigla na lamang bumaba na ikinagulat at ikina-panic ng mga nakatayo rito, na nagdulot naman ng injury sa ilan.
Sinagot naman daw ng pamunuan ng MRT-3 ang mga gastusin nila sa ospital.
MAKI-BALITA: Escalator sa MRT-3 Taft Ave. station nagkaaberya; nasa 10 katao, nasaktan!