March 19, 2025

Home BALITA National

Atty. Medialdea kay Sen. Robin: 'You were there when I needed it most!'

Atty. Medialdea kay Sen. Robin: 'You were there when I needed it most!'

Nagpasalamat si dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea kay Senador Robin Padilla matapos siyang samahan nito mula ambulansya patungong ospital, dahil sa pagsama ng kaniyang pakiramdam kahapon ng Martes, Marso 18. 

Ayon sa My Story ni Medialdea sa kaniyang Facebook, sinamahan siya ng senador sa loob ng ambulansya at patuloy na kinausap upang matiyak na hindi siya bibigay, sa emergency room, hanggang ilipat na siya sa kaniyang kuwarto. 

Inaasam pa raw ng dating executive secretary na maging "best friend" na niya ang senador simula sa araw na isinulat niya ang pasasalamat, dahil hindi siya nito pinabayaan. 

Samantala, sa isang live ay sinabi naman ni Robin na ilang araw nang walang tulog si Medialdea dahil sa pressure na nasa balikat niya kaugnay sa kasong kinahaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nasa kustodiya pa rin ngayon ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. 

National

Sa kalagitnaan ng pagkahimatay: Medialdea, si FPRRD pa rin iniisip

MAKI-BALITA: Sen. Robin, sinabing ilang araw nang 'di natutulog si Atty. Medialdea