March 19, 2025

Home BALITA National

FPRRD, ipinaaresto sa ICC para magkaroon ng ‘Marcos Forever’ – Harry Roque

FPRRD, ipinaaresto sa ICC para magkaroon ng ‘Marcos Forever’ – Harry Roque
MULA SA KALIWA: Atty. Harry Roque, Pangulong Bongbong Marcos, at dating Pangulong Rodrigo Duterte (file photo)

Iginiit ni Atty. Harry Roque na pinaaresto raw ng pamahalaan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) dahil sa “crimes against humanity” upang magkaroon umano ng “Marcos Forever.”

Sa isang online press briefing nitong Lunes, Marso 17, iginiit ni Roque na “tinik” umano si Duterte para sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Giit pa ni Roque, ang pagiging “tinik” din umano ni Duterte sa administrasyong Marcos ang dahilan kung bakit siya pilit na pinauuwi ng pamahalaan sa Pilipinas kaugnay ng pag-cite in contempt ng House quad committee sa kaniya matapos niyang hindi sumipot sa pagdinig at kabiguang magsumite ng mga hinihinging dokumento sa Komite. 

MAKI-BALITA: Harry Roque, 'di raw paaaresto: 'Hindi ko po isu-surrender muli ang aking kalayaan'

National

Atty. Medialdea kay Sen. Robin: 'You were there when I needed it most!'

“Iniisip ko, isa sa mga dahilan kung bakit nila ako ginigipit ay para mawalan ng legal representation ang presidente,” giit ni Roque.

“Sa mula’t mula, plinano nila talaga ang pagpapadala dito kay Presidente Duterte para mawala ang tinik sa kanilang buhay, nang magkaroon ng Marcos Forever,” saad pa niya.

Binanggit ni Roque na noong Hulyo 2022 ay sinabi raw ni Marcos na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC, ngunit pagdating raw ng Agosto nang taon ding iyon, sinabi na ni Justice Secretary Boying Remulla na “makikipag-cooperate” sila kung magkaroon daw ng “red notice” ang International Criminal Police Organization (Interpol).

Matatandaang kamakailan lang nang igiit ni Marcos na sumunod lamang ang Pilipinas sa obligasyon nito sa Interpol nang hulihin si Duterte noong Marso 11 hinggil sa kaso niyang crime against humanity kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO