Hiningian ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ng reaksyon si Senador Risa Hontiveros hinggil sa mga tagasuporta nitong nagsasabing maaari siyang tumakbo bilang pangulo ng bansa.
Sa kaniyang talk show vlog na “ToniTalks” na inilabas nitong Linggo, Marso 16, kinapanayam ni Toni si Sen. Risa bilang pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso.
Napag-usapan sa naturang video ang buhay ni Sen. Risa bilang isang single mom, sa pagpasok niya sa politika, at bilang kasalukuyang senadora ng bansa na nagsusulong para sa karapatan ng kababaihan.
BASAHIN: Toni Gonzaga, pinuri si Sen. Risa sa paglaban para tingin niyang ikabubuti ng PH
Samantala, sa hiling bahagi ng video ay ipinakita ang pag-usisa ni Toni sa senadora hinggil sa mga nagsasabing maaari itong mga kandidato sa presidential election, bukod kay dating Vice President Leni Robredo.
“Aside from (former) VP Leni, on your slate, a lot of people are saying that sa susunod na presidential election, you could be the candidate. I'm sure naririnig niyo po yan. What is your reaction on that?” tanong ni Toni.
Sumagot naman si Senadora ng: “Kung may role na bagay sa’kin at tama yung timing, as many times before, mag-a-audition ako.”
Sa naturang video ay pinuri naman ni Toni ang senadora ang paglaban daw ng senadora para sa pinaniniwalaan niyang tama para sa Pilipinas.
BASAHIN: Toni Gonzaga, pinuri si Sen. Risa sa paglaban para tingin niyang ikabubuti ng PH