March 16, 2025

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
(Courtesy: Phivolcs/website)

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng madaling araw, Marso 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:50 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 24 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 21 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.

National

FL Liza, ibinida larawan nila ng pamilya kasama si Imelda