March 17, 2025

Home BALITA National

Mga nakiisa sa 'unity walk' sa Araw ng Dabaw, umabot sa 30k

Mga nakiisa sa 'unity walk' sa Araw ng Dabaw, umabot sa 30k
Photo courtesy: Keith Bacongco (MB)

Mga nakiisa sa 'unity walk' sa Araw ng Dabaw, umabot sa 30k

Naging daan ang pagdiriwang ng 88th Araw ng Dabaw sa mga Dabawenyong tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang ipahayag nila ang kanilang panawagang pabalikin siya sa Pilipinas, na kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, para harapin ang kasong "crimes against humanity."

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, umabot sa 30,000 mga tagasuporta ng dating pangulo ang dumalo at nakiisa sa isinagawang unity at solidarity walk, gayundin sa isinagawang parada, batay naman sa pahayag ng pulisya. 

Sa programang kaugnay nito ay direkta ring nagbigay ng mensahe si Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte laban kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'

"Mr. President Marcos, you will never be loved! Especially to us who are calling out Rody Duterte's name, you will never be loved, Mr. Marcos."

"We will stand up and we will fight back!" aniya.

KAUGNAY NA BALITA: Mayor Baste kay PBBM: 'You will never be loved!'

Minura din ni Mayor Baste si PBBM nang maungkat ang pagpapalibing ng dating pangulo sa ama ni PBBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa Libingan ng mga Bayani, sa kaniyang administrasyon.

"Yung tatay mo [Marcos Sr.] pinalibing ng tatay ko [Duterte], pero yung tatay ko pinakulong mo. P***ng-ina ka,” giit ni Mayor Baste.

KAUGNAY NA BALITA: Mayor Baste, sinumbatan si PBBM: 'Yung tatay mo pinalibing ng tatay ko, pero yung tatay ko pinakulong mo!'