March 19, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kris kinarga na lang ni Bimby pa-CR; celebs, netizens nabagabag

Kris kinarga na lang ni Bimby pa-CR; celebs, netizens nabagabag
Photo courtesy: Kris Aquino (IG)

Bumuhos ang pag-aalala ng mga netizen para kay Queen of All Media Kris Aquino matapos niyang ibahagi ang ilang mga larawan habang buhat siya ng bunsong anak na si Bimby Aquino Yap para makagamit ng palikuran.

Sa kaniyang Instagram post, Linggo, Marso 16, nagbigay ng health updates si Kris gayundin ang dahilan ng hiwalayan nila ng kaniyang ex-lover na isang doktor.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, isiniwalat dahilan bakit siya iniwan ng jowang doktor

Sa dulo ng kaniyang post ay pinasalamatan ni Kris ang kaniyang bunsong anak dahil sa pag-alalay nito sa kaniya.

Tsika at Intriga

Keanna Reeves na-in love kay John Prats: 'Lapit nang lapit, kiss nang kiss!'

"Life is difficult for all of us- but faith in God and REAL love proven by ACTION gives ALL the needed willpower to persevere. Thank you God, thank you TO ALL for your continued prayers for my healing, and to MY 'northern star' - Bimb for being much more than your mama deserves," aniya.

MAKI-BALITA: Kris kay Bimby: 'Ang pagmamahal ng anak ay walang katumbas'

Sa comment section ay bumuhos naman ang encouraging words mula sa mga kapwa celebrity gaya nina Aga Muhlach, Erik Santos, Melai Cantiveros, Bela Padilla, Angeline Quinto, Jinkee Pacquiao, Geneva Cruz, Sylvia Sanchez, at marami pang iba.

Nagsabi naman ng "I love you ate" para sa kaniya ang fashion designer na si Michael Leyva, na kamakailan lamang ay naging dahilan kung bakit lumabas ng kaniyang bahay si Kris at dumalo sa isang public appearance sa kauna-unahang pagkakataon, matapos ang kaniyang gamutan simula nang eleksyon noong 2022.

MAKI-BALITA: Kris nakadilaw at pink sa awards night, sakto sa EDSA39

Nagbigay rin ng kanilang mensahe ang mga netizen para sa kaniya.

"Despite of what you’re going through it is a blessing for us watching from the outside seeing that your nearest and dearest loves you unconditionally most esp your children. Know that God loves you so deeply..."

"Ang payat mo na... take care Kris! Mabuti na lang at nandiyan sa tabi mo si Bimby."

"Thanks, Bimby! You’re a living reminder that we all should be more kinder and compassionate to our parents. Praying for you Ms Kris."

"Ansakit sa dibdib pero hanga ako sa tapang mo. Walang katapat! Sana may miraglo ang diyos para sayo @krisaquino."

"Grabe, Bimb. You have my total respect."

"I have no words , i feel heartbroken. Praying for you Kris"