Iginiit ni dating senador at Mamamayang Liberal first nominee Atty. Leila de Lima na hindi raw uubra ang mga “estilo” ni dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Sa panayam ng isang lokal na pahayag kay De Lima kamakailan, sinabi niyang hindi raw lulusot ang ugali ng dating Pangulong Duterte, sa paraan ng ICC kung paano magsagawa ng proceedings.
“Walang room for kadramahan kaya ‘yung mga dating mga style ni Mr. Duterte na nanggugulat, nambu-bully, nangha-harass at minsan ay nagyayabang siguro hindi ‘yon makakalusot sa ganong klaseng proceedings at sa ganoong klase ng mga judges,” saad ni De Lima.
Matatandaang noong Biyernes, Marso 14, 2025 nang humarap si dating Pangulong Duterte sa kaniyang pre-trial sa ICC kung inihayag ng naturang global court na sa darating na Setyembre pa ang susunod na pagdinig para sa kaniyang confirmation charges.
KAUGNAY NA BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025