March 17, 2025

Home BALITA Politics

FPRRD, 'di sana maaaresto ng ICC kung naging mabuti kay PBBM —Gadon

FPRRD, 'di sana maaaresto ng ICC kung naging mabuti kay PBBM —Gadon
Photo Courtesy: Screenshot from One News PH (YT), Bongbong Marcos, PCO (FB)

Nagbigay ng pananaw si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon hinggil sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC).

Sa latest episode ng “Politika All The Way” ng One PH noong Sabado, Marso 15, sinabi ni Gadon na hindi raw sana madadakip ang dating pangulo kung naging mabuti lang sana kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Actually, Rodrigo Duterte could have been saved from being arrested by the ICC kung naging mabuti lang siya kay BBM,” saad ni Gadon.

Paliwanag niya, “Kasi ang pwede namang gawin ng administrasyon noon—this was also my suggestion, e—kasuhan natin ng ibang kaso, ng murder din, ng premeditated murder [...] for him to tried here in the Philippines.” 

Politics

NA Virgilio Almario, tumula matapos ang pagkaaresto kay Duterte

“So when we acquire jurisdiction over his person, then he cannot be brought out. Kasi sasabihin natin, ‘E, mayro’n siyang pananagutan dito, e.’ Ikulong natin sa Veterans, do’n sa presidential suite,” dugtong pa ni Gadon.

Matatandaang sinilbihan ng warrant of arrest ang dating pangulo noong Marso 11 dahil sa krimen laban sa sangkatauhan na idinulot ng marahas niyang giyera kontra droga.

MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Isinagawa ang unang pagharap ni Duterte sa ICC Pre-Trial Chamber noong Biyernes, Marso 14. Kasunod nito ay itinakda ng korte ang confirmation of charges hearing para sa dating pangulo sa darating na Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025