Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Linggo ng hapon, Marso 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:07 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 17 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Nabunturan, DAVAO DE ORO.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.