Nagbigay ng reaksyon si Vice President Sara Duterte tungkol sa Pilipinas matapos siyang tanungin kung tatakbo ba siya bilang pangulo sa 2028 national elections.
“Do we still have a country by 2028?” ani Duterte sa isang panayam nitong Sabado, Marso 15.
“The way that we are going right now, hindi ko alam, palubog nang palubog nang palubog,” saad pa niya.
Kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands ang bise presidente para sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na inaresto ng International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng war on drugs ng administrasyon nito.
MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025
Samantala, matatandaang noong Pebrero 2025 nang muling sabihin ng bise na kinokonsidera na talaga niyang tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa 2028 dahil “napag-iiwanan na ang Pilipinas, at ayaw natin yun.”
MAKI-BALITA: VP Sara, 'seriously considering' nang tumakbong pangulo sa 2028: 'Napag-iiwanan na ang PH!'