Muling iginiit ni Vice Presidente Sara Duterte na kinokonsidera na talaga niyang tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa 2028 dahil “napag-iiwanan na ang Pilipinas, at ayaw natin yun.”
Sa panayam ng News5 nitong Sabado, Pebrero 1, muling binanggit ni Duterte ang naging pakikipanayam niya noong Enero sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakatira na sa Japan at may mga pamilya pa rin sa Pilipinas.
“Tinanong nila ako kung tatakbo ba daw ako ngayong 2028, at sinabi ko sa kanilang I’m seriously considering running in the 2028 presidential elections. Dahil sa mga nakikita natin sa bayan natin na dapat ayusin, dapat baguhin,” ani Duterte.
“Kailangan maging competitive tayo sa mga kapitbahay natin dito sa ating region, at hindi lang sa region kundi sa buong mundo. Napag-iiwanan na ang Pilipinas, at ayaw natin yun,” saad pa niya.
Matatandaang noong Enero 13 nang nauna nang sabihin ni Duterte na kinokonsidera niyang tumakbo bilang pangulo ng bansa.
MAKI-BALITA: VP Sara sa pagtakbo sa 2028 national elections: 'We are seriously considering'