March 15, 2025

Home BALITA National

‘Pinas, apektado pa rin ng mainit na easterlies – PAGASA

‘Pinas, apektado pa rin ng mainit na easterlies – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Marso 15, na ang mainit na easterlies ang pa rin ang nakaaapekto sa buong bansa.

Base sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang ang “fair weather” sa malaking bahagi ng bansa dulot ng easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Gayunpaman, malaki pa rin daw ang tsansang magdadala ang easterlies ng ilang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental. Posible rito ang pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahan ding magdudulot ang easterlies ng isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa. Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

National

‘Don’t leave the country!’ FPRRD, pinauuwi na raw si VP Sara sa ‘Pinas

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).