March 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Inintrigang '224 tattoo' ni Philmar, napansing tinakpan na

Inintrigang '224 tattoo' ni Philmar, napansing tinakpan na
Photo courtesy: via Philmar Alipayo (IG)

Napansin ng mga netizen na tinakpan na ang kontrobersyal na "224" na tattoo sa kanang braso ng surfer na si Philmar Alipayo, partner ng aktres na si Andi Eigenmann.

Sa Instagram story ni Philmar, napansin ng mga netizen na tila natakpan na ang nabanggit na tattoo nila ng girl bestfriend na si Pernilla Sjoo.

Matatandaang naging dahilan ito para pag-usapan ang relasyon nila ni Andi at muntikan pa ngang maging mitsa ng hiwalayan nila.

MAKI-BALITA: Andi, banas kay 'friend' na may couple tattoo kay Philmar

Tsika at Intriga

'Englishera Girl' sa mga bumatikos sa kaniya: 'I didn't do anything wrong!'

Matapos ang pribadong pag-uusap, sinabi rin ni Philmar na nagkaayos na sila ni Andi.

Pagkatapos ng insidente, sina Philmar at Andi naman ang nagkaroon ng couple tattoo. 

MAKI-BALITA: Marupok yarn? Philmar Alipayo, sinabing okay na sila ni Andi Eigenmann

MAKI-BALITA: Philmar Alipayo, Andi Eigenmann nagpa-tattoo pareho

Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens. 

"Wala ba syang budget for laser? Dumi tignan."

"If your marriage will crumble just because of a tattoo, then your it is not that strong."

"Hindi naman masama magmahal ng simpleng tao. Pero di ko talaga nakikitaan ng effort itong lalaki na ito, parang buhay binata."

"Parang literal na tinakpan lang hahaha chararat"

"Natakpan lang pero it still there. Lol"

"Yung hindi full healed pero kinoveran na kaagad haha. Si ate ghurl mong bff kaya, kinoveran din??"

Samantala, wala pang reaksiyon, komento, o pahayag si Philmar tungkol dito.