March 16, 2025

Home BALITA National

FPRRD, hindi raw binibigyan ng gamot habang nasa ICC—Sen. Go

FPRRD, hindi raw binibigyan ng gamot habang nasa ICC—Sen. Go
(screenshot: Bong Go/FB, ICC via Balita-MB/FB)

Emosyunal na ikinuwento ni Senador Bong Go ang mga karanasan umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, kabilang dito ang hindi umano pagbibigay ng gamot sa dating pangulo.

Sa isinagawang prayer rally na "Bring Him Home: A Prayer for Tatay Digong" ng PDP-Laban sa Liwasang Bonifacio nitong Sabado, Marso 15, ibinahagi ni Go ang mga nakuha raw niyang update mula kay dating Executive Secretary Salvador Medialdea, tumayong legal counsel ni Duterte sa Pre-Trial Chamber I noong Biyernes, Marso 14.

"Ikuwento ko lang sa inyo 'yong huli kong balita kay Tatay Digong," saad ni Go sa harap ng mga tagasuporta ng dating pangulo. 

"Alam n'yo nakausap ko kaninang madaling araw si Atty. Medialdea pagkatapos ng hearing nila saka si Ma'am Honeylet. Kaya siya [Duterte] gano'n magsalita [sa ICC Pre-Trial hearing], dalawang dahilan: Maaaring nag-aadjust siya sa oras at ang pinakamasakit sa lahat 'yong sinabi sa akin ni Atty. Medialdea na hindi binibigay sa kaniya 'yong gamot niya," paglalahad ng senador na ikinagulat ng mga tao. 

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

Dagdag pa niya, "Alam n'yo ba, ni hindi nga niya alam kung ano 'yong gamot na iniinom niya, binibigay sa kaniya ng nurse niya."

"Anong gustong gawin nila kay Tatay Digong? Kung kaya nilang ipadala si Tatay Digong doon, gawan n'yo ng paraan kung paano siya ibalik dito." 

Noong Biyernes, Marso 14, humarap si Duterte sa ICC para sa Pre-Trial hearing sa pamamagitan ng video link.

Sa naturang Pre-Trial hearing, si Medialdea ang tumayong legal counsel ng dating pangulo at iginiit niya na kasalukuyang may “medical issues" si Duterte. 

 Gayunman, sinabi ni ICC Presiding Judge lulia Antoanella Motocna na base raw sa opinyon ng doktor ng korte, "fully mentally aware and fit” naman umano si Duterte.

BASAHIN: Medialdea, iginiit sa ICC na ‘kidnapping’ nangyaring pag-aresto kay FPRRD

BASAHIN: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang 

Samantala, itinakda ng ICC ang confirmation of charges hearing para sa dating pangulo sa Setyembre 23, 2025.

BASAHIN: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025