March 16, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Bathtub scene nina Andrea at Jake, inabangan; aprub ba?

Bathtub scene nina Andrea at Jake, inabangan; aprub ba?
Photo courtesy: via Kapamilya Online World (FB)

Umere na ang "bathtub scene" nina Andrea Brillantes at Jake Cuenca sa bagong yugto ng "FPJ's Batang Quiapo" sa Friday episode, Marso 14.

"Kumapit sa patalim" ang karakter ni Andrea sa karakter ni Jake para pampagamot sa kapatid niyang may sakit, na hindi kalaunan, ay namatay rin.

Matatandaang sa trailer teaser pa lamang ay naging usap-usapan na ang maiinit na tagpo sa bathtub nina Andrea at Jake, dahil first time mapapanood si Andrea sa ganitong eksena.

MAKI-BALITA: Si Jake pa nakauna: Palaban era ni Andrea, umani ng reaksiyon

Teleserye

Bea Alonzo, may nilulutong proyekto sa GMA Public Affairs

MAKI-BALITA: New at palaban era na! Andrea, 'hinigop' ni Jake

Pag-amin ni Andrea sa isang panayam ay talagang nagdasal pa siya at nagpaalam sa mga kaibigan at kakilala bago mapapayag sa sinabing eksena nila ni Jake.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa kanilang napanood.

"Napanood ko ito..buti di naman malala ang scene. Suggestive at saglit lang. Wla naman masyadong ganap.May mga bata kasing nanonood.ang galing niya umarte nung umiiyak."

"Hindi p bagay s kanya yan ganyan role"

"ang galing!"

"ang awkward tingnan"

"Okay naman, lalo na nung umiiyak na siya..."

"I'm happy for you Queen b Fatima napakaganda at galing kahit saan ilagay magaling sobra

ohh ah napaka daming basher talaga sa mundo ito at marami na namn sabihin ng kung ano kala mo perpekto teleserye po yan ah "