Tila pasimple nang kinumpirma ng aktres na si Sunshine Cruz ang relasyon niya sa negosyanteng si Atong Ang.
Sa latest Instagram story kasi ni Sunshine noong Huwebes, Marso 13, makikita ang picture nila ni Atong nang magkasama.
Matatandaang Disyembre 2024 nang kumpirmahin ni Atong sa isang panayam ang relasyon niya kay Sunshine.
MAKI-BALITA: Kaya may pahalik! Atong Ang, kinumpirmang jowa na si Sunshine Cruz
Ito ay matapos lumutang sa social media ang isang video clip kung saan makikita ang paghalik ni Sunshine kay Atong.
MAKI-BALITA: Cristy sa tukaan nina Atong, Sunshine: 'Kailangan pa bang i-memorize 'yan?'
Samantala, inihayag naman ng dating mister ni Sunshine na si Cesar Montano na masaya raw siya para sa relasyon ng dalawa.
MAKI-BALITA: Cesar Montano masaya sa relasyon nina Atong Ang, Sunshine Cruz
Ikinasal sina Cesar at Sunshine noong 2000 ngunit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon kalaunan matapos i-file ng huli ang kanilang annulment.
