Nagbigay ng babala ang Unkabogable Star at “It’s Showtime” host na si Vice Ganda kaugnay sa mga lumang video niya na kumakalat.
Sa latest Facebook post ni Vice nitong Biyernes, Marso 14, sinabi niyang may mga gumagamit daw ng lumang video niya para magpanggap na siya at manggantso.
Aniya, “May mga gumagamit ng lumang live videos ko at nagpapanggap na ako para makapang-scam! HUWAG PO KAYONG PALOKO!”
“Tanging verified accounts ko lamang po ang opisyal at tunay na ginagamit ko. Kung may kahina-hinalang activity mula sa non-verified accounts na ginagamit ang aking pangalan, i-report agad! Mag-ingat at maging mapanuri!” dugtong pa ni Vice.
Matatandaang kamakailan lang ay may isang art card din na lumutang kung saan mababasa ang pahayag umano ni Vice tungkol sa mabuting naidulot ng giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas.
Ngunit kalaunan ay pinabulaanan din ng Unkabogable Star ang naturang pahayag at sinabing huwag itong paniwalaan.
MAKI-BALITA: Vice Ganda, pinabulaanan kumakalat niyang pahayag tungkol kay FPRRD