May 22, 2026

Home SHOWBIZ

'Bisaya ako pero Pilipino rin ako!' Kim Chiu, binira mga nagpapatahimik sa kaniya

'Bisaya ako pero Pilipino rin ako!' Kim Chiu, binira mga nagpapatahimik sa kaniya
Photo courtesy: Kim Chiu (X)

Pumalag ang Kapamilya star na si Kim Chiu sa publiko na gusto raw siyang patahimikin dahil sa paglalabas niya ng kaniyang opinyon tungkol sa mga nangyayaring kaguluhan sa gobyerno. 

Matatandaang nauna nang ilahad ni Kim noong Huwebes, Mayo 14, 2026, ang tila pagkadismaya niya sa naganap na insidente ng pagpapaputok ng baril sa Senado ng mga opisyal ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at National Bureau of Investigation (NBI) noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Anong nangyayari sa Pilipinas?’ Kim Chiu, bumoses sa kaguluhan sa Senado

Ayon naman sa naging bagong pahayag ni Kim sa kaniyang post sa “X” nitong Biyernes, Mayo 15, sinabi ng aktres na nalulungkot daw siya dahil gusto agad patahimikin ng mga tao ang katulad niya kapag hindi sila nagkasundo sa kani-kanilang mga opinyon.

“Nakakalungkot. That’s what happens when concern and opinion don’t align with them—gusto agad patahimikin,” pagsisimula niya. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Screenshot mula sa post ni Kim.

Sey ni Kim, may karapatan daw siyang maglabas ng kaniyang mga saloobin bilang isang Bisaya at Pilipino. 

“Nasanay na ako. Oo, Bisaya ko, pero Pilipino rin akong may karapatang magsalita at magpahayag ng saloobin,” diin niya. 

Buwelta pa ng aktres, masakit daw para sa kaniya ang magbayad ng buwis habang nakikita niya ang mga nangyayaring kaguluhan sa gobyerno.

“Masakit magbayad ng buwis tapos ganito ang nakikita natin. Hindi po tayo ang magkakalaban. Pare-pareho lang tayong mamamayan,” ‘ika niya. 

Pagpapatuloy ni Kim, huwag na raw sanang mag-away-away ang publiko dahil para itong mga bata at hayaan na lang daw ang gustong sabihin at gawin ng isa’t isa patungkol sa pamahalaan.

“Wala tayong kapangyarihang tulad nila, kaya sana  dili  mu mangaway oi. Murag mga bata naman ning uban ba. Kung unsa imong ganahan edi okay. Ako mao man ni ako ganahan. Pasagdii,” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Kahit saan siya pumunta, hahantingin ko siya!' Trillanes, nagbabala kay Dela Rosa