May 21, 2026

Home BALITA National

'Kahit saan siya pumunta, hahantingin ko siya!' Trillanes, nagbabala kay Dela Rosa

'Kahit saan siya pumunta, hahantingin ko siya!' Trillanes, nagbabala kay Dela Rosa
File Photo

Nagbabala si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na huhulihin niya raw ang huli kahit saan pa man ito pumunta. 

Ayon sa naging pahayag ni Trillanes sa isang panayam sa kaniya ng media noong Huwebes, Mayo 14, 2026, sinabi niyang ang “ironic” daw na siga si Dela Rosa noong panahong chief pa siya ng Philippine National Police (PNP). 

“It’s Ironic na PNP chief siya, when he was PNP chief, napakasiga niya,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Tapos he wanted everybody to follow him.” 

Diin ni Trillanes, nagdesisyon daw noon si Dela Rosa na huwag nang sundin ang legal na proseso at nagsimulang pumatay umano ng mga tao noong panahon ng war on drugs. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“In fact, shinort cut niya ‘yong proseso and started killing people using the PNP,” buwelta niya. 

Patutsada ni Trillanes, tapos si Dela Rosa na raw ang tumatakbo ngayon sa mga awtoridad at nakita pa raw ng buong mamamayan ng Pilipinas kung gaano kaduwag umano ang senador.

“Tapos no’ng siya na ngayon ang nasa-subject doon sa batas na ‘yan ay ngayon tumatakbo siya,” aniya. 

“He’s a genuine coward and the whole country saw that,” pahabol pa niya. 

Mensahe ni Trillanes, tila titiyakin daw niyang huhulihin niya si Dela Rosa kahit saan pa man ito pumunta. 

“Kahit saan siya pumunta, hahantingin ko siya,” pagtatapos niya. 

Sa kasalukuyan, wala pa namang lumalabas na mga impormasyon tungkol sa kinaroroonan na ni Dela Rosa matapos niyang makaalis sa Senado nang maganap dito ang insidente ng pagpapaputok ng baril ng mga opisyal ng Office of the Seargent-at-Arms (OSAA) at National Bureau of Investigation (NBI) noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13. 

KAUGNAY NA BALITA: 'I give up on the guy:' Trillanes, suko na raw kay SILG Remulla!

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, 'person of interest' para matukoy kinaroroonan ni Sen. Bato—NBI