Tila hindi na rin napigilang ibahagi ni Kapamilya star Kim Chiu ang kaniyang pagkadismaya sa mga kaguluhang naganap sa senado noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13.
MAKI-BALITA: ‘We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato
KAUGNAY NA BALITA: NBI Dir. Matibag, pumalag; wala raw NBI agents sa loob ng Senado habang may putukan!
“Grabe! Anong nangyayari sa Pilipinas?” Panimula ni Kim sa kaniyang reposted tweet sa X nitong Huwebes, Mayo 14, kung saan mapapanood ang clip ng pag-uulat ni ABS-CBN News reporter Zyann Ambrosio sa kasagsagan ng putukan sa senado.
Ani Kim, sa kaniyang opinyon, hindi magaganap ang kaguluhan kung kusang susuko si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mga awtoridad.
“Sa aking opinyon,walang mangyayaring ganito kung kusang susuko ang taong nagsasabing wala syang kasalanan,” saad ng aktres.
“[P]angalawa at huli eto ba ang binoto nyong senador na nagsasabin[g] magsisilbi sa ating bayan?” dagdag pa niya.
Kaya diretsang panawagan ni Kim sa publiko, ikonsiderang ito na ang panahon upang maging matalino sa mga taong iboboto sa posisyon.
“Panahon na para pag isipan natin na [b]umoto ng tama. ” panawagan ni Kim.