Pinaplano raw ng Philippine National Police (PNP) na sampahan ng reklamong "direct assault" ang common-law wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.
Ayon sa mga ulat, sinabi ni PNP spokesperon BGen. Jean Fajardo nitong Huwebes, Marso 13, na pinaplano raw ng PNP ng maghain ng reklamong "direct assault" laban kay Avanceña dahil sa umano'y pananakit sa isang Special Action Force (SAF) personnel sa kasagsagan ng pagsisilbi umano ng warrant of arrest kay Duterte.
Kaugnay na Balita: 'Bumukol!' SAF personnel, pinukpok umano ni Honeylet Avanceña sa noo
Bukod kay Avanceña, pinaplano ring sampahan ng reklamong "obstruction of justice" ang dating presidential legal counsel ni Duterte na si Salvador Medialdea.
Samantala, wala pang pahayag ang kampo nina Avanceña at Medialdea hinggil sa planong pagsampa ng kaso ng PNP laban sa kanila.