March 13, 2025

Home BALITA National

NBI, nagkomento sa umano'y 'pag-aresto kay FL Liza' sa LA

NBI, nagkomento sa umano'y 'pag-aresto kay FL Liza' sa LA
Photo courtesy: MB File photo and Liza Marcos/Facebook

Ikinagulat umano ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang kumalat na fake news hinggil sa pagkakaaresto daw kay First Lady Liza Marcos sa Los Angeles, California, USA. 

"Nakakagulat ang ganiyang mga fake news ano? Instead na manatili tayong tahimik, ay gumagawa sila ng another story. Parang hindi natin mainitindihan kung anong gusto nilang mangyari. Pero mayroon naman pong magpapatunay na noon pang eleven ay nandito na si ma'am eh," ani Santiago.

Matatandaang kumalat sa social media mula sa mga umano’y Facebook page na nagsasabing inaresto umano ang First Lady sa Los Angeles kung kaya’t pinilit lamang umanong ipaaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) upang mapagtakpan ito.

KAUGNAY NA BALITA: Palasyo, pinabulaanang nakulong si First Lady Liza Marcos sa Los Angeles

National

FL Liza, binati NBDB sa pagsusulong ng ‘literacy, culture, at love of reading’ sa PBF

Dagdag pa ni Santiago, "Tumigil na sila, at baka pagka sila naman ay inaresto tsaka sila iiyak-iyak, sasabihin nila freedom of expression, freedom of the press, ganiyan.”

Matatandanag nauna nang igiit ni Santiago na may ikinakasa na raw silang kaso laban sa mga vloggers na umano’y patuloy na nagpapakalat ng fake news. 

KAUGNAY NA BALITA: NBI Director Jaime Santiago, may ikinakasang case build-up laban kay Maharlika, iba pang 'vloggers'