March 14, 2025

Home BALITA National

Magnitude 4.3 na lindol, yumanig sa Surigao Del Sur

Magnitude 4.3 na lindol, yumanig sa Surigao Del Sur
(Phivolcs)

Yumanig ang magnitude 4.3 na lindol sa Surigao Del Sur nitong Huwebes ng umaga, Marso 13.

Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol sa Hinatuan, Surigao Del Sur bandang 10:11 ng umaga, na may lalim na 14 kilometro.

Dagdag pa ng ahensya, ito ay aftershock ng magitnude 7.4 na lindol na tumama sa Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023. 

Samantala, walang inaasahang aftershocks at pinsala matapos ang lindol. 

National

NBI, nagkomento sa umano'y 'pag-aresto kay FL Liza' sa LA