March 13, 2025

Home BALITA National

Ex-Pres. Duterte, nasa kustodiya na ng ICC

Ex-Pres. Duterte, nasa kustodiya na ng ICC
BALIT file photos

Nasa kustodiya na ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan haharapin niya ang warrant para sa "crimes against humanity," na kaugnay sa kaniyang noo'y War on Drugs.

Ayon sa ulat ng Associated Press (AP), tinawag ni ICC chief prosecutor Karim Khan ang pag-aaresto kay Duterte na "crucial step in our continuous work to ensure accountability for the victims of the most serious crimes under ICC jurisdiction.”

Dagdag pa ng ulat, sinabi ng ICC na may nakaantabay na medical assistance no'ng dumating si Duterte sa Rotterdam Airport noong Miyerkules, Marso 12 (oras sa Pilipinas). 

Gayunman, hindi nagbigay ng komento ang ICC tungkol sa kalusugan ni Duterte. 

National

Sen. Mark Villar nagpakita ng suporta kay FPRRD; nagbahagi ng throwback pics nila

Samantala, bago paglapag ng kaniyang sinasakyang eroplano sa Rotterdam, Netherlands, sinabi ni Duterte na "okay" daw siya matapos ang mahabang biyahe.

BASAHIN: Ex-Pres. Duterte: 'Ako ang managot sa lahat'

Matatandaang noong Martes ng umaga, Marso 11, nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Duterte mula sa Hong Kong, at saka siya dinala sa Villamor Air Base sa bisa raw ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC). 

BASAHIN: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Matapos ang mahigit 10 oras na pagkakaaresto, isinakay si Duterte sa isang eroplano na lilipad patungo umano The Hague, Netherlands.

Ilang minuto ng pag-alis ng dating pangulo, kinumpirma mismo ni Pangulong Bongbong Marcos na dadalhin nga ito sa Netherlands para sa paglilitis ng ICC.

BASAHIN: PBBM, kinumpirma na dadalhin si ex-Pres. Duterte sa The Hague

Sinabi ni Marcos na ang pag-aresto kay Duterte ay alinsunod sa commitment ng bansa sa Interpol at hindi "political persecution."

BASAHIN: Ex-Pres. Duterte, inaresto alinsunod sa commitment ng 'Pinas sa Interpol—PBBM

BASAHIN: PBBM, itinangging 'political persecution' pag-aresto ng ICC kay FPRRD